JHOANA
Nanigas ang katawan ko ng maramdaman ko ang mainit na bisig niya na nasa balikat ko kasabay nun ang malakas at nakakabinging pintig ng puso ko .. Nahigit ko pa ng ang hininga ko .. I felt electrified as my body shivers with her touch .. I felt the familiar butterflies on my stomach .. The sparks .. Hindi ko talaga maintindihan itong nararamdaman ko tuwing nasa tabi ko siya o magdidikit kami .. Mga NapakaBaduy na pakiramdam na tanging siya lang talaga ang nakapagbibigay sa akin ..
" Beh .." Napapikit ako sa masuyong tono ng boses niya ..
" Oh bakit Beh? " Pinilit kong maging casual at kalmado kahit na deep inside nagwawala na ang mga Malalanding hormones ko sa katawan ..
" Ang bigat ng kamay mo De Leon! " reklamo ko saka pilit na inaalis yung kamay niya .. Mas lalo niya lang itong idinikit sa balikat ko saka hinigit ako palapit sa kanya dahilan para mapayakap ako ..
Sa sobrang lapit namin natakot na akong marinig niya ang pagwawala ng puso ko ..
" Lumayo ka nga Bea .." Kunwaring naiiritang kong sambit ..
" Wait lang .." bulong niya saka may sinilip .. Dinama ko na lang itong eksena na ito dahil alam kong maikli lang ito at mawawala rin ..
" Si Maddie! " bulong niya na ikinakunot ng noo ko .. Anung Maddie!? Doon ay napabalik ako sa realidad lahat ng ilusyon ko ay naputot na lang bigla ..
" Si Maddie paparating na .. Landiin mo ako beh dali! " utos niya saka tinulak ako at iniabot sa akin ang towel ..
" Punasan mo ako .." utos niya na ginawa ko naman .. labag man sa kalooban ko ay ginawa ko ..
" Ay naku Bea! Pawisan ka na naman! " saka ko itinaas yung jersey niya at pinunasan yung likod niya kasabay ng pagdaan ni Maddie ..
" baka sipunin ka at magkasakit! " Umiiling ko pang sambit saka mas dinagdagan yung pag-arte ko .. I just rolled my eyes ..
Best Actress goes toooo .. Tentenenen .. Jhoana Maraguinot .. Pero ang mas the best award ay ..
Best Martyr Award also goes to Jhoana ! Isa siyang tangang bestfriend .. Isa siyang umaasa!
Nung nawala na si Maddie sa paligid ay tumigil na ako sa magaling na pag-arte ko ..
Niyugyog naman niya ako kaya napahawak ako sa noo dahil nakaramdam na ako ng pagkahilo ..
" Tumigil ka nga Bea! " reklamo ko sa kanya saka bahagya siyang tinulak ..
Ngumisi naman ito na parang tanga dahilan para mawala ang mata niya ..
" Mukha kang gagu .." singhal ko saka hinagis sa mukha niya yung towel na puro pawis niya ..
Hinawakan niya ako sa kamay dahilan para makuryente akong muli ..
" Si Maddie! Nakita mo ba?! Tumingin siya sa atin .. Pakiramdam ko nagseselos na siya! Sht! Konting push na lang Beh .. Mapapaamin ko din si Maddie na gusto niya ako! " Gusto kong matuwa sa mga sinasabi niya pero bakit?! Nasira lahat ng ilusyon ko .. Nagising na ako sa katotohanan na ..
Si Maddie ang gusto niya .. Si Maddie ang Mahal niya .. Samantalang ako .. Ito si Jhoana .. Yung BEH niya! Ang Kanyang dakilang bestfriend .. Umaasa sa kanya na sana maging ako naman ..
Umaasa na marealize niya na pwede naman naming totohanin ang pagkukunWari namin ..
Oo .. Nagkukunwari kami .. Umaarte kami na sweet .. Na parang kami .. Na parang may sarili kaming mundo .. Para saan? Para mapansin siya ni Maddie .. Para magselos si Maddie at umamin .. Kaso wala .. Bulag ang bestfriend ko sa katotohanan .. Kailan niya ba matatanggap na hindi siya magugustuhan ni Madayag .. Straight siya! Straight as ruler and fck .. Pwedeng ako naman! Pwedeng ako na lang dahil ako mahal na mahal ko siya kahit parehas pa kaming babae .. Mahal na mahal ko siya kaya pumapayag ako sa gusto niya kahit masakit .. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya humantong na ako sa pagiging tanga ..
Tama nga sila .. Sa Pag-ibig effortless ang pagiging tanga ..
" Bea .. Ni hindi nga siya tumingin .."
" Nakita ko .. Sumimangot siya .. Lumalakas ang pag-asa ko sa kanya! " Napairap na lang ako sa narinig ko sa kanya ..
Hindi pa natigil dun .. Nasundan pa iyon ng mga bagay na ginawa ko para sa kanya ..
Accepting flowers and chocolates from her na sa akin naman galing ang perang pambili ..
Pagtanggap ng sulat niya na akala mo romantic yung nilalaman pero pang-aasar lang naman ..
Pagiging sobrang sweet and clingy sa kanya na alam ko namang magiging dahilan para mas lalo akong mahulog sa kanya ..
Kailan ka ba mauuntog at maiisip na ako na lang .. Na tayo na lang?
***********
Dumalang ang pagsasama namin ni Bea .. Lagi na kasing si Marci yung manliligaw ko ang kasama ko .. Masaya namang kasama si Marci yung nga lang hindi niya kayang mapunuan ang pagkukulang at pangungulila na nararamdaman ko .." Jho! " bulalas niya saka nilapitan ako .. Nasa Cafeteria ako at kumakain ..
" Oh .." Nakipag-Appear naman siya sa akin ..
" Kamusta kayo ni Marci? " tanong niya .. Ngumiti naman ako saka tumango lang ..
Hanggang sa magsimula na siyang magkwento tungkol kay Maddie .. Kaagad ko siyang pinutol .. Sawang sawa na akong masaktan at magpakatanga ..
" Sasagutin ko na si Marci " natigilan naman siya saka kinunutan ako ng noo ..
" wow .. Agad agad .." napatango naman ako ..
Mahabang katahimikan .. Hininihintay ko yung pagpigil niya sa akin ..
" Edi maganda! " bulalas niya saka ako inakbayan ..
" Finally .. Magkakaroon ka na rin ng Lovelife .." inalis ko naman yung kamay niya ..
" Hindi ka magagalit? Maiinis? " o MAGSESELOS?! Mabilis siyang umiling ..
" Bakit? Kaligayahan iyon ng bestfriend ko .. Masaya ako para sayo! " bulalas niya saka ako niyakap .. Napabuntong hininga ako .. Bakit ako? Hindi ko kayang maging masaya para sa kanya .. Dahil siguro alam kong ang kasiyahan niya ay kalungkutan ko ..
"Masaya ako para sayo Jho .. You deserve to be happy! " Napatango na lang ako saka nag-Paalam .. Hindi ko na siya hinintay .. Tumakbo na ako palabas habang pinipigilan ko ang mga luha sa mata ko .. She kept calling my name pero tapos na ako .. Pagod na ako .. Ayaw ko ng magpakatanga ..
Akala ko kapag ginaya ko ang estilo niya ay mare-realize niya na gusto niya din ako ..
Akala ko kapag sinabi kong sasagutin ko na si Marci ay magseselos siya at pipigilan ako kaso wala .. Siya pa ang nagPush sa akin ..
Bakit ba kasi sa lahat ng tao sa bestfriend ko pang manhid ako magkakagusto ..
Manhid at Tanga ..
Best combination dapat pero para namang hindi nagkatotoo sa akin .. Bagay dapat kami kaso nakalimutan ko .. Bulag din pala ang Beh ko ..
Umasa lang pala ako .. Umasa ako na magugustuhan niya rin ako .. Umasa ako na magigising din siya sa katotohanan ..
Umasa ako lang ako sa wala ..
FIN
Next week na yung ibang request .. Magpapahinga muna ako't susulitin ang natitirang bakasyon ng buhay ko .. 😭😭
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!