Part II ..
VIC
-----------
Nanginginig ang buong katawan ko habang hinihintay ko siya..
Hindi ko alam kung paano sasabihin o ipapaliwanag.. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan..
Kung anung magiging reaksyon niya.."Patawarin mo po ako.." mahinang bulong ko habang nakaharap sa altar..
Mas lalo kong nahigit ang hininga ko ng bumukas na ang pinto ng simbahan at iniluwa siya..
I'm speechless.. Nag-exceed sa imagination ko kung gaano siya kaganda.. Dennise is such a beautiful creature.. She's like a goddess .. An Angel .. But now slowly fading away dahil alam ko after kong gawin ito.. Mawawala na ang Dennise na kilala ko..
Tinitigan ko siya habang naglalakad katabi ang magulang niya..Mas napahigpit yung hawak ko sa damit ko..
Damn it..Parang gusto ko ng umatras sa mga iniisip ko ngayon.. Gusto ko na siyang hagkan at sabihin ang mga salitang " I Do.."
Pero hindi pwede..Hindi maaari..
Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko ng makalapit na siya..
" Dennise.." sambit ko ng makalapit na siya sa akin.. Pinigilan ko ang sarili ko na magpakita ng kahit anung emosyon.. I want to be cold para kapag oras na iiwan ko na siya.. Purong galit na lang ang mararamdaman niya..
Ngumiti siya ng pagkatamis tamis na halos magpatunaw sa puso ko.. She hold my hand tightly..Gusto ko mang gawin yun.. Hindi pwede..Hindi maaari..
Agad niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil ito..
"I love you Vic.." bulong niya..tanging ngiti lang ang naibalik ko sa kanya.. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko din siya pero mali.. Maling mali..
"Ladies and gentlemen.. We are here to witness the holy sacred patrimony between Dennise Lazaro and Vic Galang ..." wika ng pari.. I hold my hands tightly saka tumingin sa kanya..
"Father.." sambit ko agad para mapatigil ang pari.. Hindi ko na dapat patagalin ito..The more na tinatagalan ko .. The more na gusto ko nang iatras..
Agad ko siyang hinarap at hinawakan ang mga kamay niya.. Mahal na mahal kita Den.. Siguro ngayon masasaktan ka but atleast ngayon lang kaysa kapag itinuloy natin ito..Habang buhay at ayokong mangyari iyon..
"Dennise.." sambit ko.. Tinignan naman niya ako nang may patatanong.. Huminga ako ng malalim saka pumikit.. Wala ng atrasan ito..
"Dennise.." aniya ko saka yumuko..ayokong makita ang mga Nagbabadya na mga luha sa mata niya.. Dahil baka ipahid ko lang iyon at hagkan siya..
"Dennise..I'm sorry.. But I think..I can't do this...Masyadong mabilis.." wika ko saka binitawan ang mga kamay niya at dahan dahang naglakad palayo..
Pinigilan ko ang mga luha sa mata ko kasabay ng pagbigat ng puso ko.. Hindi ako makahinga.. Sobrang sakit..
"Vi..vic! " napapaos Niyang sigaw.. Gusto ko siyang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko.. I'm sorry Den pero alam kong ito ang makakabuti sa atin..
"Akala ko ba mahal mo ako!" naluluha niyang sigaw.. Nagpatuloy lang ako maglakad kahit sobrang bigat na ng mga hakbang ko.. Mahal na mahal kita Dennise.. Sobra Sobra na hindi na kayang makayanan ng puso ko..
Pinikit Ko ang mga mata ko bago siya sagutin..
"Mahal kita Den..Pero hindi pa yata ako handa para dito.. I'm sorry.." sambit ko at nagpatuloy na.. handa ako ..Pero sa tingin ko.. Ikaw ang hindi..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!