A Fille,Gretchen and Dennise story
Torture
FILLE
Mapait na ngiti ang namutawi sa aking pisngi pagkakita ko ng picture nila.. Kasabay nito ang pag-agos ng luha sa aking mata dahil ang hapdi, at ang sakit makita nito..
Dapat maging masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na ang kaisa-isang kapatid at natitirang pamilya ko..
Pero bakit ganito, tinatraydor din ako ng sarili kong puso at isip..Bakit nasasaktan pa rin ako imbes na maging masaya sa kanila?
Agad kong napansin yung nalaglag na papel sa tabi ko..
An Invitation for the Wedding of Dennise and Gretchen..
Agad kong pinunasan ang luha sa mata ko..
Kailangan kong panindigan itong desisyon ko na ito dahil simula ng ipaubaya ko si Gretch sa kapatid ko, Nawalan na ako ng karapatan sa kanya..
Dahil si Gretch..She's my ex pero nagawa ko siyang iwanan para sa kapatid ko.. Para sa ikasasaya ng kapatid ko at kahit masakit.. Wala akong magawa dahil mahal na mahal ko ang kapatid ko at kahit anu ay gagawin ko kahit ang kapalit pa nito ay sarili kong kasiyahan..
--------
"Ate.. Ang hot talaga ni Gretch no.." kinikilig naman na sambit nito..agad akong natahimik dahil ang tinutukoy niya ay ang almost 2 years Girlfriend ko na si Gretch..Ayaw ko namang umamin sa kanya na kami na dahil alam kong ikasasama ng loob niya..
"Grabe Ate! Crush na crush ko talaga..Mahal ko na nga ata e.." dagdag pa niya ..kitang kita mo sa mata niya na kumikinang ito marahil sa kilig na nararamdaman..
NapaUbo naman ako ng walang oras..Sinasabi ba niyang Mahal niya ito? Na parehas kami ng minamahal?!
"Baka Puppy love lang yan Den.." sambit ko..Umiling naman ito..
"Hindi ate..True love to..Sa tingin ko nga she's my other half and soulmate ko.." dagdag pa niya..Napailing na lang ako..
"Den..Masyado ka pang bata para sabihin mo yan.." paalala ko..
"Siguro nga Ate Fille..But I know I'm old enough para malaman kung anu na talagang nararamdaman ko.." sincere na paliwanag niya..Napabuntong hininga naman ako..
"Ate.. Sige na oh..Gumawa ka naman ng paraan na magkalapit kami..Diba Close kayo? Sabi ng bestfriend ko na si Ly..Close daw kayo eh.." pamimilit niya..
Napahawak naman ako sa kamay ko dahil hindi ko naman talaga alam kung anung gagawin ko..
Tama bang ipaglapit ko silang dalawa eh, Alam ko namang makakaramdam ako ng matinding selos at sakit..
"Ate..Sige na.." dagdag pa niya habang hinihila yung damit ko na parang bata..
"Ah eh..Den alam mo kasi.." sambit ko at hindi makahanap ng tamang salitang dapat ipaliwanag..
"Anu ate?" tanong nito saka nagpout.. Hay naku itong batang ito.. Ginagamitan na naman ako ng pagiging spoiled niya sa akin..
"Alam mo kasi .." sambit ko ulit..
"Ate alam ko..Alam kong tayo na lang dalawa dahil ulila na tayo..Alam kong iniingatan mo lang ako..pero please..Ate .. Do me a favor about sa amin ni Gretch.. Promise hindi naman ako magpapaligaw..I just want to be close with her..Sige na ate.. alam ko namang mahal mo ako kaya gagawin mo yun diba.." paliwanag niya.. Napabuntong hininga ako lalo..Oo..Mahal na mahal ko si Den dahil kaPatid ko siya pero mahal na mahal ko rin si Gretch at hindi ko alam kung dapat ba akong magparaya..Pero..Makikipagkilala lang naman at close diba?!
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!