VIC
Nakatitig ako sa babaeng nasa harapan ko .. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang perpektong pagkakahulma sa mukha niya .. Kung paano ngumingiti ang mata niya kasabay ng labi niya .. Kung paano siya tumawa at nagiging musika ito sa tainga ko .. Kung paano siya kaganda pero napakasimpleng babae naman ..
" Naku! Mahal na mahal mo nga ito! " Naramdaman ko pa ang pagtulak nila sa akin kay Shiela dahilan para masubsob ako sa kanya ..
Napabalik naman ako sa realidad ..
Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko na nakangiti siya sa akin ..
" Sorry .." Mabilis kong inilayo ang sarili ko at umupo ng maayos ..
" Shiela .. Nahuli ko itong nakatitig sayo .. Tulo laway na nga! " napahawak naman ako sa labi ko .. Wala naman .. Grabe itong si Carmela makapag-asar sa akin!
" Hindi ah .." pagtanggi ko ..
" Pero Nakatitig ka! " Napatungo naman ako .. Tsk .. Nakakabakla naman ito ..
" Oh! Kinikilig ka! "
" Ang bakla mo Vic! " Pang-aasar sa akin ni Kim saka tinulak tulak pa ako ..
I felt stiffened ng akbayan niya ako ..
" Wag niyo nga itong inaasar .. Diba Mahal .." Napatango naman ako ..
" Pero kinilig ka! " Tudyo niya ..
" Mahal naman! " I hissed .. Hindi ko aakalain na pati siya ay makikigulo din sa kanila ..
" Joke lang! Hindi ka naman mabiro, Mahal!" Napailing na lang ako .. Saka napabuntong hininga ..
" Pikon na si Vic! " pang-aasar naman ni Carol sa akin .. Tinapunan ko siya ng masamang tingin ..
" Mahiyain pala ang Girlfriend mo Shiela! " Tudyo ni Angge na kaibigan niya ..
Get together ito ng barkada ko at ng barkada ni Shiela dahil matagal kaming hindi nagkakitaan .. Nasa isang resort kami .. Ewan ko ba kung anung pumasok sa isip namin at ginawa namin ito ..
" Kapal kaya ng mukha niyan ni Vic! Lakas ngang mag-galawang Hokage niyan kay Shiela! " pambubuking ni Mika na lagi kong kasama .. Pinanlakihan ko naman siya ng mata .. Anak ng!
Napuno ng tawanan ang buong paligid .. Kasabay nun ang paghawak niya sa kamay ko .. I felt electrified at the same time goosebumps .. Nakakabaklang pakiramdam na sa kanya ko lang nararamdaman ..
Nagkatinginan kami kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi namin .. Nag-usap lang kami tungkol sa amin .. Hindi na namain sila pinakialaman .. Pakiramdam nga namin ay may sarili na kaming mundo..
" Oh.. Nagkatinginan na yung dalawa .. Aalis na yang mga yan! " Napabalik kami sa realidad sa boses ni Kim.." Manahimik ka nga! " saka ko siya binato ng sanga na napulot ko ..
" Ilang taon na nga ulit kayo? " Si Amanda iyon ..
Nagkatinginan naman kami ..
" Taon agad agad?! " Bulalas niya sa kaibigan niya..
" Six months pa lang kami .."
Napatango naman sila pero nakakaloko ang tingin ..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Acaktangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!