INSTANT ( BARA)

1.6K 47 4
                                    

VIC

"Daddy.." nanlalaki yung mata ko habang nakatitig sa batang nasa harapan ko..

He's a 5 year old Boy..

"Anung sabi mo?" naguguluhan kong tanong.. Umagang umaga may bumulabog ng tulog ko.. Then As I opened the door ito ang nadatnan ko.. A boy holding his luggage and toys ..

"Anung pangalan mo?" tanong ko dito.. Ngumiti naman ito dahilan para makita yung bungi niyang ngipin..

"Simon Victorious Pineda .." pakilala nito.. Napakunot naman yung noo ko ng marinig ko yung apelyido niya..Somehow..Pamilyar iyon hindi ko lang alam kung saan ko narinig..

"Sabi po ni Mommy..Dadalhin niya ako sa papa ko.. Ibig sabihin po ba nun ..Ikaw yung tinutukoy niya?" tanong nito.. Nagulat naman ako dahil bibihira lang sa bata na nasa edad niya ang nagtatanong ng ganun...

Napatango na lang ako..

"Oo..Ako ang Papa mo.." sambit ko.. Mukhang ako naman..Hindi kasi maipagkakaila.. Parehas kami ng hubog ng mukha.. Yung kulay siguro hindi .. Pero yung labi ko kuhang kuha niya.. Mukhang namana niya nga lahat ng traits ko.. At kahit magpasolve pa ako kay Gregor Mendel ng Punnet square ..alam kong malaki ang tsansa na lalabas nga ang Genes/Alleles ko sa kanya..

Nakangiti ko siyang pinapasok sa loob.. Saka ko kinuha yung gamit at inayos..

"So Anung pangalan ng Mommy mo?" tanong ko sa kanya habang nanunuod kami.. I make him felt comportable.. Iyon naman ang dapat diba?

"Uhm..Si Mommy Shiela.. Shiela Marie Pineda po.." sagot nito.. Tumango naman ako.. Hindi ko makilala..Inaamin ko..Babaero ako.. I used to have many girls before kaya hindi ko na sila maalala but somehow alam kong..Pamilyar siya sa akin.. Napasapo naman ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito.. See? Even my heart tells me na she really have a part in my life..

Tinitigan ko lang yung bata..Or should I say Anak ko.. Nakaramdam ako nung tinatawag nilang Lukso ng dugo kaya napangiti ako..

"Bakit po?" tanong nito..Napailing naman ako saka ngumiti..

"Wala lang.. Magkamukha kasi tayo.."sagot ko.. Ngumiti naman siya saka tumango..

"Iyon din po ang sabi ni Mommy.. Kaso sabi niya Pangit ka pero Gwapo ako.." nakangusong sambit nito..Napangiti naman ako saka inakbayan siya..

"Gwapo ka..kaya Gwapo ako..Mana ka sa akin..Bitter lang yang mommy mo sa akin.." nakangising bulalas ko.. Saka ko siya inalok na magkwento tungkol sa buhay nila..Somehow para makilala ko siya..

Napapangiti ako tuwing ikinukwento niya yung bonding nila..Pakiramdam ko nandun na rin ako sa mga oras na iyon..

Maya maya ay nakatulog na rin siya.. Binuhat ko naman ito saka dinala sa kwarto..

Napansin ko naman yung hawak hawak niyang letter..

Vic Galang ,

He is Simon Victorious Pineda.. My or should I say Our Son.. Alam kong magugulat ka.. Pero wala eh.. Nagbunga yung ginawa natin.. Wag mong iisipin na hindi mo siya anak dahil tinitignan mo pa lang siya alam mo na! Well hindi ko naman talaga siya gustong iwan sayo..Wala lang talaga akong mapag-iwanan sa Maynila.. Wag kang mag-aalala..Mga isang Linggo lang naman siya sayo ..Alagaan mo sana siya.. Mag-usap na lang tayo pagbalik ko..

Shiela Pineda,

Gusto kong magalit kay Shiela .. Bakit niya itinago na may anak ako.. I mean.. Limang taon.. Ganun katagal?! Kung hindi wala pa siyang kailangang gawin dito at walang mapag-iwanan sa bata hindi ko pa malalaman na may anak pala ako.. Oo ..Babaero ako pero alam ko kapag may nabuntis ako.. I'll take my responsibility..hindi naman ako tatakas.. Sa ngayon.. Mas nagagalit ako sa sarili ko..I mean..Ina ng anak ko..Hindi ko matandaan?! I'm such an asshole.. Pinilit kong tandaan si Shiela habang nakatitig kay Simon..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon