BEA
" Jia! " Bati ko ng makita ko siyang naglalakad sa may gate papasok ng ADMU ..
" Oh .. Ikaw pala yan .. Bea .." Napatulala naman ako sa ngiting iginawad niya sa akin .. Ang ganda niya talaga kapag ngumingiti kasi ang mga labi niya ay sumasabay ang mga mata niya ..
" Sabay na tayo .." yaya ko .. Tumango naman ito .. Maagap kong kinuha yung bag niya saka ko siya inakbayan ..
" Hokage ka talaga anu! " Ngumiti lang ako saka sinabayan na siya ..
Gusto ko siya .. Hindi ko man sinasabi sa kanya ay paulit ulit kong pinaparamdam .. Walang araw na nagmintis ako na pakiligin siya ..
" Nanliligaw ka ba sa akin De Leon? " nagkibit balikat ako ..
" Depende .." cool ko na sagot .. Napailing na lang siya ..
" Anu bang nararamdaman mo? " tanong ko ..
" ewan .. "
" Basta Espesyal ka sa akin Jia .. Hindi naman siguro sa lahat ng bagay ay kailangan may label diba? " Napalabi naman siya ..
" Sabagay .. Masaya ako na espesyal ako sayo Bestfriend .."
" aww .. Para naman akong na-Bestfriend zone niyan! " Napa 'aww' naman ako ng batukan niya ako ..
" Ang sira mo! "
" Nasisira ang isip ko dahil sa kakaisip ko sayo! "
" aysus! Hokage of the year ka na! May galawang breezy ka pa! " Napangiti na lang ako ..
" Don't worry .. Sayo ko lang naman ginagawa ang bagay na ito .." Kinurot naman niya yung pisngi ko ..
" Oo na .. Kahit na napakarami mong pinopormahan na babae! " Nanlaki naman ang mata ko ..
" Walang katotohanan ang ibinibintang mo sa akin! " Pinanlakihan niya ako ng mata ..
" sige na nga! Oo na pero dati yun .. Nung hindi pa espesyal ang tingin ko sayo .."
" Ang baduy mo! Dyan mo siguro nakuha yung mga kaFling mo anu!" Mariin naman akong tumanggi ..
" Grabe ka sa akin! Sayo ko lang sinasabi to .."
" Oo na De Leon! Maniniwala na lang ako sayo! " mahina akong tumawa saka inakbayan na lang siya .. Hinawakan ko rin yung kamay niya na mukhang wala lang naman sa kanya ..
" Tara na .. Late na tayo! " saka kami tumakbo na magkahawak ang kamay .. Ganito kami .. Sweet sa isa't isa pero wala namang label ..
***********
" Ji! " Tawag ko .. Natagpuan ko siya sa isang bench .. Foundation day ngayon dito sa school .. So Childish tho!
" Oh Bea! Namiss kita! " saka niya ako niyakap .. It's been months din .. Busy kasi ako sa acads plus nagbakasyon kami sa New York ..
" Namiss din kita .." bulong ko .. Naupo kami .. Doon ay malaya ko siyang pinagmasdan .. Kung gaano siya kaganda .. Ilang buwan ko din itong hindi nasilayan at habang naiisip ko yun .. Napapagtanto ko na mas lalog lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya .. Siguro ay panahon na para umamin ako sa kanya .. Tutal sa mga nangyayari sa amin nitong nakaraan .. Label na lang ata ang kulang sa amin ..
" Jia .." Seryoso kong sambit .. Napatingin naman ito saka humagikhik ..
"What's with your serious tone and face, De Leon?! " hinawakan ko naman yung kamay niya ..
"May sasabihin sana ako .."
"Anu yun?" Nakangiting sambit niya .. Ibubuka ko na sana ang labi ko nang ..
" Julia " Napaatras naman ako nung marinig ko yun .. Si Miguel .. Yung nagpaparamdam ata sa kanya ..
" Pahiram muna sa kanya Bea ah .." Napatango naman ako .. Anung karapatan kong mangialam eh mukhang gustong gusto din naman ni Jia ..
Akala ko mag-uusap lang sila pero nagulat ako ng bigla silang nilagyan ng posas at mukhang dadalhin sa marriage booth ..
Tahimik akong napamura .. Anung gagawin nila sa marriage booth?! Ay wait! Natanga ka ba o nalamigan ang utak mo ng malamig na temperatura sa New York .. malamang anung ginagawa sa marriage booth?! KUMAKAIN?!
Hinabol ko yung mga nagdala sa kanila doon ay nasaksihan ko si Jia na nakabihis ng puting gown habang nakaTux naman si Miguel ..
Nanatili silang nakaposas habang nasa harap nila ay isang estudyante din na nakabihis pari ..
" We are here to witness the holy sacrament between Julia Morado and Miguel De Guzman .." Naninikip ang dibdib ko habang nanonood .. Isa lang itong booth sa isang foundation .. Isa lang itong laro pero bakit parang ang sakit sakit ng nasasaksihan ko?!
Marami pang sinabi ang nagkukunwaring pari pero napantig na ang tainga ko't lumilipad na ang isip ko para pakinggan pa ang bawat katagang sinasabi niya .. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako't nanatiling nakikinig e ..
" Do you Antonio Miguel de Guzman accept her, Julia Melissa Morado to be your Wife? " Tumingin siya kay Jia saka matamis na ngumiti ..
" I do .." Gusto kong gumalaw at guluhin ang munting kasiyahan nito pero mukhang pati katawan ko ay nawalan na din ng lakas ..
" Do you Julia Melissa Morado accept him, Antonio Miguel de Guzman to be your husband? "
Kagat ko ang labi ko habang naninikip ang dibdib ko .. Laro lang ito pero masakit talaga!
" I do .." alright .. Pakipulot uli nung basag basag kong puso!
" By the power of the school and this booth .. invested to me .. I pronounce you as Husband and Wife for today .." Nagpalakpakan naman ang lahat samantalang nakayukom ang mga kamay ko ..
" You may now kiss your bride .." Nag-ingay naman ang manunuod ..
Inagaw ni Miguel yung mic saka nagsalita .. Mga salitang hindi ko inaasahang marinig ..
" Bago ko halikan ang napakagandang babaeng nasa harap ko .. May gusto lang sana akong sabihin .. " Huminga muna siya ng malalim saka hinawakan yung kamay ni Jia ..
" I've been courting you for almost six months .. Alam kong sobrang bilis kung tatanungin na kita pero sinusubukan ko ang swerte kaya .. Uhm .. Julia Melissa Caro Morado .." Napasinghap muna siya..
" Will you be my girlfriend? " Masuyong tanong sa kanya .. Taimtim pa itong nakatingin habang nakahawak ng mahigpit sa kamay niya ..
Para naman akong kinakapos ang dibdib ko ng hangin habang hinihintay ko ang pagbuka ng bibig niya para sa isasagot sa binata ..
" Yes, Miguel .." Boom wasak! Nahigit ko ang hininga ko parang panandalian atang namatay ang puso ko dahil sa pagkabasag sa salitang narinig ko ..
" I love you .. " sambit ni Miguel ..
" I love you too .." Saka niya ginawaran ito ng masuyong halik sa labi .. Napamura ako kasabay ng pagtungo ko para pulutin sa paanan ko ang nagkalat na basag na piraso ng puso ko ..
Habang pinagmamasdan ko sila sa booth na iyon .. Siya na ang mga mata't labi ay ngumingiti pero hindi naman ako ang dahilan ..
Pinipigilan ko ang mga luha sa mata ko habang nakatingin sa kanila ..
Punong puno ng paghihinayang ang puso ko ..
Sana tuwiran kong sinabi sa kanya na gusto ko siya ..
Sana hindi ko lang ipinakita .. Sana hindi ko lang ipinadama .. Sana sinabayan ko din ng boses .. Ng letra at mga salita ..
Maybe Actions is louder than words pero may mga bagay na hindi lang dapat ipinapakita .. Sinasabi din dapat ..
FIN
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
De Todotangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!