Panahon

2.4K 40 13
                                    

Panahon, bakit ba ang gulo mo?
Kasing gulo ka lang ng isip ko.
Madalas ay tahimik ka nga lang,
Ngunit may araw na dadaanin mo ako sa ulan.
Ano ba talagang gusto mo,
Ang maging mapayapa o ang magpakaloko?


Panahon, ang hirap mong hulaan,
Para akong naglalakbay sa kawalan.
Kailan ka iiyak at kailan ka tatahan?
Sa totoo lang, gusto kong malaman.
Kung walang sagot, hayaan mo akong mauntog
Nang sa ganoon ako'y makatulog.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon