Hangin

275 7 5
                                    

Para ka lang tadhana, o hangin,
Na mahirap hulaan kung saan ako liliparin.
Saang direksyon ba ang galaw mo?
Gulong-gulo na ang buhok ko sa 'yo.

Kapag mahina ka ay kaya ko pa
Na ituloy kung saan ko gustong magpunta.
Pero iba na kapag malakas ka
Dahil ako'y pwedeng matangay mo na.

Kaya kalma ka lang sana lagi, o hangin
At ang paligid ay iyo lang palamigin.
Ngunit kung ako'y iyong liliparin
Pakisigurong "siya" ang sasalo sa akin.





#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon