"Chess"

414 7 4
                                    

Ang "chess" ay laro ng matatalino
Gaya ng mga taong kilala ko.
Kaya hindi nakakapagtaka
Na sa larong ito ay magaling ka.

Ang "chess" sa una'y mahirap intindihin
Tulad mo na hindi ko alam na may pagtingin
Sa akin na gustong-gusto ka
At naniniwalang para tayo sa isa't isa.

Ang "chess" ay may sariling mundo
Na kontrolado ng mga naglalaro.
Mapapansing may hari at reyna ito
Na sana sa totoong buhay ay ikaw at ako.

Sana makalaro kita balang araw
Habang tayo ay nagbabalik-tanaw
Sa panahon kung saan nagsimula ang lahat---
Ang pagmamahalan nating tapat.

Ayos sa akin kung ako'y matalo mo
Sa larong "chess" na 'yong paborito,
Angkinin mo lahat ng mayroon ako
Alam mo namang ang pag-ibig ko'y sa 'yo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon