Ang maikasal ang pangarap mo, hindi ba?
Pero bakit ngayon iyon ay isinasantabi na?
Siguro epekto 'yan ng iyong mga nakikita
Sa iyong mga kaibigan at sa mga nababasa---
Mga kaibigan na masaya noong araw ng kanilang kasal
Pero ang kanilang pagsasama ay hindi naman nagtagal.
Mga balita tungkol sa hiwalayan
Ng mga mag-asawa ng dahil sa iba't ibang dahilan.Ang pagpapakasal para sa 'yo ay hindi na ganoon kahalaga
Kung ang dalawang tao ay wala ritong pagpapahalaga.
Ang importante ay makilala mo muna sya
At saka magpakasal kung kailangan talaga.
Ayaw mo kasi ng magulong buhay
Na hindi mo mararasan sa taong nagmamahal ng tunay.
Mas gugustuhin mo ring mag-isa
Kaysa mag-asawa ka ng taong butas ang bulsa.Kung ganyan ka ay naiintindihan ko
Kasi natuto ka lang sa mga pinagdaanan mo.
Aanhin mo nga naman ang tao
Kung para syang martilyong ipinukpok mo sa ulo mo.
Mas mabuti nang magsigurado ka
Sa buhay, ang maging matalino ay mahalaga.
Kaya tama lang na timbangin mong mabuti
Ng sa 'yong pagpapakasal ikaw ay mapabuti.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...