Akala Mo

77 2 0
                                        

Akala mo hindi ko pansin
Na ikaw sa 'kin ay may pagtingin.
Syempre alam ko naman 'yon
Di ako manhid pagdating doon.

Akala mo hindi ko nakita
Na itinuro mo ako sa 'yong ina.
Sinabi mong gusto mo ako,
Na ako ang babaeng itinatangi mo.

Akala mo hindi ko nabasa
Ang mensahe mo kaninang umaga.
Hindi lang ako sumagot sa 'yo
Pero ang sinabi mo'y tandang-tanda ko.

Akala mo wala kang halaga sa 'kin
Kasi wala ako sa 'yong pagtingin.
Syempre mahalaga ka naman,
Para sa 'kin, isa ka nga lang kaibigan.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon