Magasin

281 11 3
                                        

Kung magasin ka, magkakasundo tayo
Kasi mababantayan mo talaga ako.
Sa maghapon ako'y makakasama mo,
Malamang wala ka nang dahilan para magtampo.

Araw-araw ako'y makakatabi mo
Gaya ng ginagawa ko sa trabaho.
Iintindihin ko lahat ng iyong sasabihin,
Kahit mga galaw mo ay aking sisitahin.

Ano, gugustuhin mo ba
Na maging magasin, sinta?
Nais mo ba akong makasama
Sa hirap man o sa ligaya?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon