Hindi pa kita kilala
Pero pinangarap na kita.
Hindi man naging tayo
Pero pakiramdam ko ay oo.
Hindi mo man sabihin
Pero alam kong ikaw sa 'kin ay may pagtingin.
Hindi mo man ako tingnan
Pero 'yon ay hindi kabawasan.
Hindi mo man ako ligawan
Pero higit pa roon ang 'yong nararamdaman.
Hindi mo man ako pinigilang lumayo
Pero alam kong hindi ka pa rin sumusuko.
Hindi man tayo magkita pa
Pero alam kong 'yon ay malapit na.
Hindi man natin alam ang mangyayari
Pero alam kong para 'yon sa 'ting ikabubuti.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Thơ ca(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...