Hindi ko gusto sa lalaki ang nakasalamin,
Ngayon ay akin nang inaamin.
Pero 'yong salamin mo'y tila mahika
Na naging dahilan para mapansin kita.
Hindi ka naman mukhang matanda,
Pero hindi ka rin naman nagmukhang bata.
Sakto lang sa 'yo ang salamin mo
Na lalong nagpalitaw ng iyong talino.
Misteryoso ka pa rin sa tingin ko---
Ang isang bagay na gusto ko sa 'yo.
Basta nakakatuwa lang talaga
Kasi ang salamin sa 'yo ay umubra.
Pero ayaw ko pa rin sa nakasalamin
Pag sa ibang lalaki ako titingin.
Wala silang dating sa akin
Na gaya ng pinaramdam mo sa 'kin.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...