Hatinggabi

156 3 6
                                    

Hatinggabi na ngunit hindi pa rin mapakali;
Nag-iisip kung ilang unan ba ang dapat itabi.
Hindi pa rin ako dalawin ng antok
Kahit alam ko namang bukas ay may pasok.

Hatinggabi na pero ako'y gising na gising pa.
Pwede bang sa isip ko'y umalis ka muna?
Baka sakaling ako'y makakatulog na
Kapag ang utak ko'y iyong pinagpahinga.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon