Tsokolate

177 2 2
                                    

Ang matikman ka ay anong ginhawa
Sa araw-araw ika'y nagbibigay saya.
Ang tamis mo ay hinahanap ko,
Tamis na tama lang para sa iyo.

Kahit anong klase ka, ayos lang,
Gugustuhin pa rin kita malamang.
Mahal o mura ka man,
Sa 'kin ay pasado ka pa rin naman.

Hinahanap kita kapag ako'y masaya
Pakiramdam ko lang ay kailangan pa rin kita.
Ikaw ang kumukumpleto sa 'king pagsasaya,
Ikaw na sa 'king sarili ay regalo na.

Ngunit mas hinahanap kita kapag ako'y malungkot,
Kasama ng pagkain na hindi lang isang dakot.
Pinapagaan mo ang pakiramdam ko,
Ako na hindi makaayaw sa tamis mo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon