Hindi Madaling Makilala

89 2 0
                                        

Hindi naman madaling makilala ang isang tao
Lalo na ang taong nanliligaw sa 'yo.
Syempre lahat ng maganda ay kanyang ipapakita
Para lang ang loob mo ay kanyang makuha.

Hindi mo pa rin sya lubusang makikilala
Kahit sya pa ay maging syota mo na.
Oo, maglalabasan na ang mga topak nya
Pero hindi pa sapat 'yon para malaman mo lahat sa kanya.

Sabi nila mas makikilala mo sya
Kapag sya'y nakasama mo na bilang asawa,
Sitwasyong mahirap nang labasan
Kasi sa altar sya'y iyo nang pinangakuan.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon