Salamat

113 1 0
                                        

Salamat po sa magandang umaga
Na bigay Nyo po, Aming Bathala.
Salamat din po sa magandang araw
At sa lahat po ng bagay na aking natatanaw---
Sa aking pamilya, mga kamag-anak, at mga kaibigan,
Hangad ko pong lagi Nyo Silang bantayan.
Sa mga pagsubok na aming nalampasan,
Salamat kasi lagi po Kayong nariyan.
Sa walang sawa Nyo pong pag-intindi at pagmamahal,
Salamat po ng sobra, Diyos Naming Mahal.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon