Pula at berde ang mga paborito kong kulay
Ewan ko ba basta mahal ko silang tunay.
Wala ako sa kanilang itulak-kabigin
Dahil pantay ang aking pagtingin.Ang berde ay malamig sa paningin
Gaya ng mga halaman na masarap tanawin.
Ang pula naman ay matapang na kulay
Gaya ng dugong nagbibigay-buhay.Ang pula at berde ay parang ako,
Isang mabait at matapang na tao.
Ito ay depende sa mga kaharap ko,
Ibinabalik ko lang ang kanilang pagtrato.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...