Pagdating ng panahon, magkikita tayo.
Pangako 'yan, tayo ay magtatagpo
Kung di man sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala,
Sigurado akong sa lugar na napakaganda.
Maganda 'yon kasi doon tayo mag-uusap
Nang mga plano natin sa hinaharap.
Doon sa lugar na 'yon tayo muling magsisimula
At mangangakong sa isa't isa'y di na muling mawawala.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
