Ang Sakit

134 2 4
                                    

Ang sakit talaga ng katawan ko,
Ang katawan kong talagang nanibago
Sa paglalaro ng "volleyball" kahapon
Kaya ako ngayo'y hirap bumangon.

Minsan ang ganito'y di maiiwasan,
'Yong sakit ang kasunod ng kaligayahan.
Pero alin ba ang mas mahalaga,
Di ba 'yong kahit paano'y naging masaya ka?

Ang sakit kasi ay mawawala rin,
Pagkatapos ng ilang araw ay lilipas din.
Pero walang katumbas 'yong saya
Na naranasan mong kasama sya.

Kaya kakayanin ko 'tong sakit ng katawan ko
Kasi bahagi 'to ng aking pakikipaglaro.
Alam kong bukas ay wala na 'to
At panibagong laban naman ang haharapin ko.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon