Pihikan

130 3 3
                                    

Sige, ako na ang pihikan
Sa lalaki lang at hindi sa kaibigan.
Hindi lang ito pansin ng iba
Kasi hindi pa nila ako lubusang kilala.

Oo, malapit ako sa mga lalaki,
Mga kaibigang lalaki na aking maipagmamalaki.
Lumaki talaga ako ng ganito
Kaya masisisi nyo ba ako?

Pero sa kabila nito ay pihikan ako,
Hindi ko basta ipinagkakatiwala ang puso ko.
Nagmahal na kasi ito dati ng tapat
At wala pa akong makitang gaya nya na karapat-dapat.

Oo, sya ang dahilan kung bakit ako pihikan,
Sya na gustong-gusto kong binabalikan.
Ganito pala ang ibig sabihin ng pihikan---
'Yong may tao kang ginagawang batayan.

Mahirap din pala kapag palakaibigan ka
Gaya ko na naikukumpara sya sa iba.
Lalo ko tuloy nakikitang nag-iisa sya
Na hindi ko pa rin kayang ipagpalit sa iba.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon