Maling Akala

114 4 5
                                    

Ang ganda ng ipinakita mo sa 'kin
Noong panahong gusto mo akong angkinin.
Sinuyo mo ako ng bonggang-bongga
At binakuran na parang sa 'yo na.
Syempre natuwa naman ako,
Dahil sa 'yo'y humaba ang buhok ko.
Nainggit pa nga sa akin ang iba
At nangarap na sana ako sila.
Pero noong nakuha mo ang aking oo,
Unti-unti ka nang nagbago.
Ang dating lalaking aking gusto
Ay nag-ibang bigla sa harap ko.
Akala ko talagang mahal mo ako,
'Yon pala ang lahat ng 'yon ay di totoo.
Matapos mo akong paniwalain,
Ang iwan ako'y madali lang sa 'yong gawin.
Iniwan mo ako na parang laruan---
Laruan na iyo nang pinagsawaan.
Wala kang pakialam kahit ako'y masaktan
Kasi para sa 'yo ay di ako kawalan.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon