Puso

839 21 3
                                    

Ikaw ang pinakahinahangaan ko
Kasi balewala sa 'yo ang panlabas na anyo.
Titibok ka lang sa taong gusto mo
Kahit hindi sang-ayon ang utak dito.
Para sa 'yo, tama ang pakiramdam mo
At hindi na kailangang mag-isip ng kung ano.
Ang mahalaga mahal mo sya.
Wala ka ng pakialam pa sa iba.

Ngunit sa kabila ng paghanga ko,
Mayroon akong mga tanong sa 'yo---
Mabubusog ka ba sa pagmamahal mo
Kung maling tao ang napunta sa 'yo?
Totoong pag-ibig nga ba 'yan
Kung ang dala nyan ay katangahan?
Kaya mo pa ba 'yang ipagban
Kung ikaw mismo ay mauwing sugatan?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon