Pikit Na

193 4 3
                                        

Pikit na, aking mga mata
At kayo ay mamahinga.
Pansin kong kayo'y antok na
Kaya h'wag na 'yang pigilan pa.

Pikit na, aking mga mata,
Sige, h'wag na kayong mahiya.
Pansin kong naluluha na kayo
Sa ginagawa nyong pagbabalatkayo.

Pikit na, aking mga mata.
Alalahaning may bukas pa
Kaya sige na at matulog na
At ng bukas kayo ay magaganda.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon