Manhid ka ba o torpe lang?
Huwag mo na akong hintaying magbilang.
Sumagot ka na ng totoo
Para magkaliwanagan na tayo.
Manhid ka ba kasi di mo pansin
Na ako sa 'yo'y may pagtingin?
O torpe ka lang talaga
At di mo masabi sa 'king may gusto ka?
Manhid ka ba kasi wala kang reaksyon
Sa puso ko na gusto nang tumalon?
Kapag kausap ka, ako'y masaya,
Hindi mo ba 'yon nakikita sa 'king mga mata?
Torpe ka ba kasi hinahayaan mo
Na ang iba sa 'kin ay manuyo?
Tatanggapin mo na lang ba talaga
Na makitang kasama ako ng iba?
Manhid ka ba o torpe ha?
Pwede bang umamin ka na?
Kung may halaga ako sa 'yo
Sige na, sagutin at pansinin mo ako.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
