Kusang Darating

102 3 3
                                        

Naniniwala akong ang pag-ibig ay di hinahanap
Kasi kusa na lang 'yang magpapakita sa 'yong harap.
Hindi mo man alam kung kailan 'yon,
Basta mangyayari 'yon sa tamang panahon.

Gaya ko na hindi talaga naghahanap
Kasi ang buhay ko naman ay hindi masaklap.
Hindi ko kailangan ng kasama para sumaya
Kaya, mga kaibigan ko, kayo ay kumalma.

Oo, nakakamiss din 'yong may kasama
Pero hindi ako desperada talaga.
Kung darating sya ay ayos sa 'kin,
Kung hindi pa naman ay ayos din.

Ayaw ko na rin ng ako'y nirereto sa kung sino
Kasi parang pilit ang dating noon sa tao.
Mas gusto ko 'yong masosorpresa ako
Na bigla na lang syang nariyan sa tabi ko.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon