Sa bus ako'y madalas nakatayo,
Tayong hindi ko talaga gusto.
Pero dahil madalas akong nagmamadali,
Pwede na 'yon para lang agad makauwi.Noong una, hirap na hirap ako
Kasi naiilang ako sa 'king pwesto.
Ayaw kong makita ako ng ibang nakatayo
At di ko alam kung paanong kapit ang gagawin ko.Pero noong nagtagal ay nagustuhan ko na
Ang pagtayo sa bus kasama ng iba.
Basta hindi ako nakatakong ay ayos lang,
Para din akong nasa bus stop at nag-aabang.Buti na ring dala ko ang "phone" ko
Kasi dahil dito ay nalilibang na rin ako.
Nakatayo ako sa bus habang nakikinig
Ng mga kantang sa 'kin ay nagpapakilig.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...