Ang laro ay parang pag-ibig,
Kapag pagod ka, inom muna ng tubig,
Pahinga ka muna sa isang tabi,
At ng di tuluyang mapagod ang sarili.Tandaan mo lagi na sa laro
Ay may nananalo at natatalo.
Kaya dapat handa ka sa anumang mangyari
At kaya mong tanggapin 'to ng mabuti.Kapag nanalo ka sa laro,
E di magaling ka ng manlalaro.
Ang haba-haba ng buhok mo
Kasi nagawa mo syang sumuko.Kapag natalo ka naman sa laro,
Ayos lang basta ika'y natuto.
Tandaan mo ang pinagdaanan mo
Kung bakit ang panalo'y di napasaiyo.Talo ka man o panalo sa laro
Ang mahalaga ay naranasan mo 'to.
Pwede ka pa namang bumawi,
Sa sunod na laro ika'y pwedeng magwagi.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poésie(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...