Sa paaralang 'yon kita nakilala,
Isang saksi sa pagtitinginan nating dalawa.
Nasa taas ka, ako ay nasa baba,
Magkalayong pinagdikit lang ng tadhana.Sa paaralang 'yon kita nagustuhan,
Pakiramdam na noong una'y ako'y naguluhan.
Ang lakas ng kaba ko kapag katabi ka,
Kaba na nagsasabing minamahal kita.Sa paaralang 'yon ko natagpuan
Ang kaligayahang nasa 'yong katauhan.
Nagustuhan ko tuloy ang aking ginagawa
Na noong una lang ay halos aking isumpa.Sa paaralang 'yon ko nalaman
Na sa 'kin ay may pagtingin ka rin naman.
Hindi man ito sabihin sa 'kin ng iba,
Ramdam ko naman 'yon at hindi ako tanga.Sa paaralang 'yon ko napatunayan
Na marami pa akong kayang matutunan.
Kaya naman tuwang-tuwa ako,
May magagawa naman pala para pumasa sa 'yo.Sa paaralang 'yon ko naramdaman
Ang paghawak mo sa 'kin na talagang may laman,
Ano nga kayang sasabihin mo noon
Na hindi ko pa batid hanggang ngayon?Sa paaralang 'yon ko pinangarap
Na magtapat ka mismo sa 'king harap,
Pero mahina lang ang loob mo,
Ang katangian mong binigo ako.Sa paaralan ding 'yon mo ako sinaktan
Nang talikuran mo ako na parang basahan.
Masakit lang na ako'y lumisan
Dahil lang sa ginawa mong gusto kong kalimutan.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesia(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...