Kung nakalilipad ako, pupuntahan kita
Sa bawat oras na gusto kitang makita.
Ang pagpunta sa 'yo ay di na problema,
Lilipad lang ako at ako'y nariyan na.
Kung nakalilipad ako, isasama kita
Sa mga lugar na hindi mo pa nakita.
Mamamasyal tayo kahit pa saan
Basta kasama ka, "game" ako dyan.
Kung nakalilipad ako, malamang ang saya ko
Kasi mapagmamasdan ko lalo ang ganda ng mundo.
Baka nga wala na akong ibang gawin
Kundi ang lumipad lang na parang lawin.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
