Sa mundong maraming naghihiwalay
Gusto mo pa bang may kasama sa buhay?
Hindi pa ba sapat sa 'yong mag-isa,
'Yong walang sakit ng ulo at walang problema?Sa mundong maraming naghihiwalay
Handa ka pa bang sa kanya'y maghintay?
Kaya mo ba talagang tanggapin
Na maraming iba na gusto syang angkinin?Sa mundong maraming naghihiwalay
Gugustuhin mo pa bang tumawid sa kabila ng tulay?
Handa mo bang abutin ang kanyang kamay
At maniwalang ika'y mahal nyang tunay?
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...