Pagkakaibigan o Pag-ibig

226 9 14
                                    

Gusto mo sya, may gusto syang iba,
Para lang kayong mga tanga, di ba?
Bakit pinahihirapan nyo ang mga sarili nyo
Kung pwede namang maging kayo?

Ayaw mong masira ang pagkakaibigan nyo
Na noon pa man ay iniingatan mo.
Ngunit paano kung ganyan din pala sya
Pero ang totoo ikaw talaga ang mahal nya?

Ano ba ang mas mahalaga talaga,
Ang manatiling kaibigan nya o ang sabihin mong mahal mo sya?
Hanggang kailan ka ba magtitiis
Kung ang puso mo ay parang nililitis?

Nais mo ba syang makitang kapiling ng iba
Habang ikaw ay nagpapakamartir bilang kaibigan nya?
O gugustuhin mong aminin sa kanya
Na ang nais mo ay higit pa bilang kaibigan nya?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon