Badminton

377 5 0
                                    

Ang larong badminton ang libangan ko ngayon,
Nakakatuwa kasi nadadalas dito ang aking pagtalon.
Hindi naman ako magaling sa larong ito
Pero sakto na 'to para kaaliwan ko.

Isa o dalawang oras kung ako'y maglaro,
Sapat na oras na para aking mabuo
Ang ehersisyong sapat na para sa isang linggo
At ang pagkakataon ko para ako'y matuto.

Nakakaaliw ring makipagsabayan sa iba
Na sa tingin ko ay mga manlalaro talaga.
Nakakagana lang silang panoorin,
At parang nahihikayat akong sila'y gayahin.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon