Kahanga-hanga ang pagmamahal ng isang ina,
Pagmamahal na kasabay ng kanyang pagdurusa.
Ginagawa nya ang lahat ng kanyang makakaya
Para lang ang kanyang anak ay mapabuti ba.Sa katunayan ay isang bayani ang ina
Dahil sa mga sakripisyong kinakaya nya.
Minsan nga lang di 'to batid ng mga mahal nya
Na iniisip lang ang mga sarili nila.Ang isusubo niya ay ibibigay pa madalas
Sa anak nyang kumain na sa labas.
Nagtitipid at nagpapakagutom sya para may maibigay sa anak
Kahit ang sarili na nya mismo ang napapahamak.Walang katumbas talaga ang pagmamahal ng ina
Kasi kahit pagiging ama ay ginagawa na rin nya.
Kaya sa lahat ng hirap at pagod na nararanasan nya
Sapat lang na mahalin sya at tawagin talagang "ina."
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poezja(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...