Tahimik akong namamahinga nang bigla kang dumating,
Wala ka man lang pasabi na ika'y aking makakapiling.
Malabo man ang hitsura mo pero parang malinaw na rin,
Isa kang panaginip, kaya ano pa bang aking hahanapin?
Ngunit kahit isang gabi lang na ika'y kasama
Tila sa puso ko'y may kakaibang ligaya.
Damang-dama ko na katabi kita,
Panaginip ka man, ako'y iyong pinasaya.
Iniisip ko kung talaga bang may gaya mo,
Sa magulong mundong ginagalawan ko.
Hanggang panaginip na lang ba tayo?
O ang lahat ng ito'y magkakatotoo paggising ko?

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...