Kung naging kama ka lang sana,
Lagi ako sa 'yong mamamahinga
Dahil siguradong ang pagod ko
Ay mawawala sa piling mo.Kung naging kama ka lang sana,
Wala na marahil akong nanaisin pa
Kundi ang magkulong sa silid ko
Na para bang ito lang ang aking mundo.Kung naging kama ka lang sana,
Babalutan kita ng maganda.
Ika'y iingatan ko at mamahalin
At gabi-gabi kong yayakapin.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...