Sweldo

1K 23 3
                                    

Ngayon pala ay sweldo na
Kaya pala ang saya-saya.
Ramdam na ramdam kita ngayon
At dahil sa 'yo, gusto kong tumalon.
Pero hanggang kailan ka tatagal?
Sana ang pagkaubos mo ay mabagal.


Malaking bahagi mo ang dapat kong itago
Para naman hindi tayo agad magkalayo.
Konting bahagi mo lang ang hahawakan ko---
'Yong halaga na hindi kawalan sa 'yo.
Sisiguraduhin kong sa sunod na sweldong darating
Mananatili ka pa rin sa aking piling.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon