Tulala

120 1 0
                                    

Tulala ka na naman sa isang tabi
At di mo pansin ang aking pagtabi.
Malayo na naman ang isip mo,
Malamang sya na naman ang gumugulo sa 'yo.

Naiisip mo sya kapag ika'y mag-isa,
Hindi mo mapigil kasi mahal mo sya.
Kahit nga kasama mo ang barkada mo,
Sa atensyon mo ay hindi sya nagpapatalo.

Tulala ka nga kahit tumatawid,
Tulalang naglalakad lang ng tuwid.
Wala kang pakialam sa mga dumadaan
Kasi ang isip mo ay sa kanya lang nakalaan.

Mag-ingat ka at 'wag kang laging ganyan
At baka naman ika'y masagasaan.
Isipin mo rin naman ang buhay mo
At 'wag kang laging tulala at seryoso.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon