Para Po, Mama

85 1 0
                                    

Para po, mama, para,
Mayroon pong bababa.
Isa po syang matanda
Kaya pakialalayan po muna.

Para po, mama, para,
Ako po ay bababa na.
Pakihinto na lang po sa tabi
At sa pagbaba'y di na mapakali.

Para po, mama, para,
Mayroon po akong mga dala-dala.
Pakitulungan naman po ako
Na ang mga 'to ay maibaba ko.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon