Biyaya o Milagro

88 4 0
                                    

Naniniwala ako sa milagro
Kasi para sa 'kin ito'y totoo.
'Yong paggising ko palang sa umaga,
Isang milagro na 'yon na gawa Nya.

Ang biyaya ay milagro ring di mo talaga hinahanap
Kasi araw-araw mo na 'tong tinatanggap.
Sinasabi lang na milagro ang isang bagay
Kapag ito'y hindi mo inakalang magiging tunay.

Kaya ang lahat ng biyaya ay milagro na rin
Para sa 'king madalas sa Kanyang nananalangin.
Sobra akong naniniwala at nananalig sa Kanya
Kaya ang biyaya at milagro para sa 'kin ay walang pinagkaiba.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon