Akala ko ikaw ang nakita ko
Sa siksikan ng mga tao.
Kamukha mo talaga sya
Kaya naman nakaramdam ako ng kaba.Kinabahan ako, alam mo 'yon?
Kasi naman hindi ako sang-ayon
Na sa ganitong araw kita makikita,
Araw na mukha lang akong tanga.Hindi man lang ako nakapagsuklay
Kasi gusto ko nang makauwi ng bahay.
Tapos ikaw pa ang aking makakaharap,
Ang pagkakataong di ko pinapangarap.Buti na lang pagkatapos ng ilan pang kurap
Ay biglang naglaho ang mukha mo sa 'king harap.
Nakita kong medyo kamukha mo sya
Pero malayo at malabong ikaw talaga.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...