Kapag yakap kita ako'y kuntento na
Kahit pa sabihing ako'y nag-iisa.
Pakiramdam ko'y may kasama na rin ako
Na sa 'king pagtulog ay yakap-yakap ko.Pwede kitang ilagay kahit saan,
Ayos nga lang sa 'yo na kita'y dantayan.
Pwede rin namang nasa gilid lang kita
At naghihintay na aking mapuna.Kahit ano pang kapit ang gawin ko sa 'yo,
Hindi ka nasasaktan o nagrereklamo.
Basta sa 'kin ay sunod ka lang ng sunod
At sa mga kilos ko'y para ka lang nanonood.
![](https://img.wattpad.com/cover/81384774-288-k169084.jpg)
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesia(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...