Hindi naman ako malaking babae,
Hindi rin naman ako maliit, mare.
Pero bakit parang tama ang sabi mo
Na abnormal lang ang mga paa ko.Mas maliit ka sa 'kin, hindi ba?
Ngunit mas malaki ang 'yong mga paa.
Napasobra lang ang liit ng sa 'kin,
Buti na lang at di 'to masyadong pansin.Hirap nga akong bumili ng sapatos
Kasi para lang akong nababastos.
Iilan lang kasi ang nagkakasya sa 'kin,
Madalas pambata pa ang pwede kong angkinin.Ngunit nagpapasalamat pa rin ako
Kasi magaganda naman ang mga paa ko.
"Weirdo" nga lang pero sakto na rin,
Biyaya pa rin 'to na dapat kong tanggapin.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...