Pinto

221 7 8
                                    

Siya ay kumakatok sa 'yo
At nanunuyong pagbuksan ko,
Habang ako sa yo'y nakasandal lang
At tahimik na nakikiramdam palang.

Iniisip ko kung ano bang dapat kong gawin
Tama na bang siya'y aking papasukin?
Dapat ko na bang buksan ka?
O hahayaan pa kitang nakasara?

Oo, matagal na akong nagtatago
Sa kanya at sa iba pang gustong manuyo.
Ngunit siya'y kakaiba sa lahat
Dahil ang pagkatok nya ay sapat.

Sige bibilang ako ng isa, dalawa, tatlo,
Sana nasa may pinto pa sya paglabas ko.
Sana rin ay hawakan nya agad ako
At siya mismong magsara ng pinto ko.

Isasama ko siya sa muling pagpasok ko sa 'yo
Nang hindi ko maramdaman ang magkaibang mundo
Na mayroon siya at ako ng dahil sa pinto
Na pinili kong isara ng dahil sa pagkabigo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon