Ang bait lang sa 'tin ng tadhana
Kasi di pa nya hinahayaang tayo'y magbangga.
Hangad nya sigurong kapag nangyari 'yon
Ay masabi mo na sa 'kin ang iyong intensyon---
Intensyon na 'yong ipinagdamot
Sa 'kin na noon ay naghihintay ng sagot.Malamang inihahanda rin ako ng tadhana
Sa sandaling ang mga mata natin ay magtama.
Pinalalakas nya malamang ang loob ko
Nang masabi ko rin ang intensyon ko noon sa 'yo.
Nais din nya malamang na ating yakapin
Ang nakatakdang mangyari na karapat-dapat para sa 'tin.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...