Bulalakaw

91 2 0
                                    

Bulalakaw, nasaan ka na?
Hangad kong magpakita ka.
Nais kong humiling sa 'yo
Ng bagay na gusto kong magkatotoo.

Sabi nila maaaring matupad daw
Ang aking hiling sa bulalakaw.
Nais kong malaman kung totoo ba 'yon---
Kung mangyayari ang nais ko pagdating ng panahon.

Bulalakaw, sana ikaw ay maligaw
Dito kung saan ako nakatanaw.
Sana magpakita ka sa gaya ko
At ang hihilingin ko sana'y tuparin mo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon