Pangarap kong ipinta ang mukha mo
Pero paano kung kinakabahan ako sa 'yo?
Alam mong sa 'kin ay mahalaga
ka
Kaya hindi pwede ang bara-barang pagpipinta.Gusto kong ako'y nasa kondisyon
Kasi ang pagpapahinga ay hindi ko intensyon.
Kapag sinimulan ko ang pagpipinta,
Mukha mo lang dapat ang aking nakikita.Pero paano ko nga gagawin 'yon
Kung ayaw kong magkamali ngayon?
Ang hirap kasi ikaw 'yan e, alam mo ba?
Ang lalaking pangarap kong ipinta.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...