Hipon

161 1 0
                                        

Ikaw ang pagkaing bawal sa 'kin
Kaya gustuhin ko man ay di kita pwedeng kainin.
Nagsusugat at nagpapantal ng dahil sa 'yo ang aking balat,
Minsan pa nga ang paghinga ko ay hindi sapat.

Masarap ka naman talaga,
Ginataan nga lang, panalo ka na.
Ewan ko ba bakit ako nagkaganito,
Dati naman ay di ako "allergic" sa 'yo.

Ikaw rin ang tawag sa mga babaeng hindi maganda
Pero may sinabi naman pagdating sa katawan nila.
Narinig ko 'tong tawag ng mga lalaki
Sa isang babae na ubod ng seksi.

Noong una nga akala ko "seksi" ang ibig sabihin ng hipon,
'Yon pala ay may karugtong pa 'yon.
Ibig mo palang sabihin ay "seksi lang pero hindi maganda"
Gaya ng hipong masarap ang katawan pero may ulong katapon-tapon ba.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon