Disyembre

122 4 0
                                    

Sa wakas ay dumating ka na,
Ang paborito kong buwan talaga.
Alam kong magkasundo tayo
Kaya bawat taon, ika'y hinihintay ko.

Marami kang araw na kaabang-abang
Kaya ang puso ko sa 'yo'y di tumatabang.
Andyan ang mahalagang araw ko
At ang kaarawan ng malalapit na tao.

Ang aking hiling sana'y pakinggan mo
At mangyari ang mga ninanais ko.
Disyembre, pagbigyan mo na ako
At muli magdiwang at magsaya tayo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon